Wednesday, March 12, 2003

Loco

Loco

Hindi maalis sa aking isip
Ang ‘yong magagandang ngiti
Naiwan na sa ‘king isipan
Puso kong puno ng kagalakan

Hindi na kita makalimutan
Natutulala sa isang tabi pag naaalala ka
Nangingiti pag nakikita kita
Dehins maintindihan ang nadarama

Kailan kita mahahagkan?
Kailan kita mahahalikan?
May pag-asa pa kaya?
O hanggang panaginip na lamang

Ako’y hindi mapalagay
Isip di matuon sa isang bagay
Siguro gusto kita
Pero ayoko sabihing mahal kita

No comments: