Saturday, March 08, 2003

Madilim nyang Mundo

Madilim nyang Mundo

Di ako makatulog kagabe
Gising pa rin ako pasado alas dose
Sa bintana ako’y napatingin
At may nakitang bituin
Sa gitna ng dilim

Pinagmasdan ko ang nag-iisang bituin doon
Baka sakaling ako’y makatulog
Ngunit bigla ‘tong nawala’t
Tila natakpan ng makapal na ulap

Hinintay kong lumabas muli ito
Pero natagalan bago lumabas ‘to
Hinanap ko sya sa gitna ng dilim
At natuwa nang nakita syang muli

Pero hindi rin nagtagal
Natakpan muli sya ng ulap sa kalangitan
Nainip ako sa matagal nyang pagkawala
Naisip ko na siguro sumama na sya sa mga ulap
Para ‘di na sya ulit maiwan mag-isa

No comments: