Wednesday, March 12, 2003

Maling hinala

Maling Hinala

Ilang buwan tayong
‘di nagkita‘di ko man sabihin
pero feel ko pa rin na namimiss na kita
lagi ko ngang binibilang ang araw
kung kailan ba uli tayo magkikita

‘di na ko makapaghintay
kase gusto na talaga kita Makita
kampante na nga loob ko
na makakapag-usap tayo kahit saglit

pero mali ang hinala ko
napatunayan ko na din na
mahirap kapag hindi ka importante,
binabaliwala, kaya’y dinedeadma

nagmumukha lang akong tanga
parang nasasayang lang oras ko
lagi ko pang iniisip noon, gabi-gabi
kung na-miss mo din kaya ‘ko kahit minsan

pero mali ang hinala ko
ayoko nang umasa’t magmukhang tanga
pagkat oras ko’y nasasayang lang
ayoko nang mag-emote at maghintay
ayoko nang mangarap at magmahal
masyado itong taliwas sa totoong buhay
hanggang dito na lang talaga ako

No comments: