Sunday, November 09, 2003

Tama na! -2la?

Tama na!

Naglalakad patungong eskwela
Napalingon don at nakita
Basura’t dumi kung sansan nakakalat
Tinapo’t hinagis ng mga tao sa lansangan

Pagsakay ko ng jeepney
Pagtingin ko sa tubig,
Ubod ng itim at dumi
Na dati rati’y malinaw at malinis

Mahuhuli na ‘ko sa klase
Pano naman ubod ng trapik!
Ang rungis ko na pagpasok sa eskwela
Pano lahat ng usok sa daan na sa akin na

Kailan matatapos?
Kailan mauubos?
Mga ganitong senaryo
Sa ‘king kinatatayuang mundo

Tama na, tigil na!
Masyadong wala sa oras
Mahuhuli na pala ko sa class ko
Kaya tama na reklamo, tama na kwento

No comments: